Saturday, 11 February 2012

Balentayms

Bwan ng Pebrero, bwan ng mga puso.  Ito ang bwan na ang lahat ng mga inlove/in a relationship/mga married ay mabaliw baliw na kakaisip ng unique na  ireregalo sa mga special someone nila.  Ang iba ay bumili ng mga ibat't ibang hugis ng lobo, mga tsokolateng iba't ibang brand at ang walang kamatayng mga rosas na iba't ibang kulay.  Movie dates, dinner date,  date sa pak, manood ng fireworks ay ilan lamang sa mga ginagawa ng mga mag jojowa kapag balentayms day.  Pero minsan napapaisip ako, hindi kaya overrated na din ang balentayms?

Wala man akong date ngayong balentayms dahil bokya, zero or loveless ako ngayon.   Sa unang pagkakataon, sasalabungin ko ang balentayms ng mag isa, may mga naisip ako na gawin para hindi ako makapag emo ngayong araw ng mga puso.

1.  Maglinis ng bahay.  Maglampaso ng sahig.  I vacuum ang rug at magpalit ng bedsheet.
2.  Magtupi ng mga panty at dapat by color na nakaayos sa drawer.  Ipag pare pareho ang mga medyas na nakakalat lang sa kabilang drawer.
3.  Maglinis ng kuko.  Magtanggal ng ingrown at ibabad sa mertayolet ang mga kuko na na murder.  Pintahan ng kulay pula ang mga kuko.
4.  Magbasa.  Hindi magasin kundi isang makabuluhang libro o nobela.
5.  Magpictorial ng sarili.  I pout ang lips.  Magpose ala lookbook model.  Magdress at mag high heels sa kwarto.
6.  Humarap sa salamin.  Suklayin ang buhok ng isang daang beses.
7.  Pagkatapos suklayin, bilangin ang mga ito.
8.  Mag movie marathon.  Bawal ang mga love story na pelikula.  Dapat patayan, barilan, katatakutan o katatawanan.
9.  Bundatin ang sarili sa mangga at bagoong.
10.  Maglaro ng Sims 3.
11.  Makinig sa mga kanta ni Kelly Clarkson at itodo ang volume ng ipod hanggang sa dumugo ang tenga.
12.  Pag aralan ang dance step ng kahit isang kanta ni Lady Gaga sa youtube.
13.  Magbilang ng mga natitirang cotton buds sa medicine cabinet.
14.  Kuskusin ang buong katawan ng calamansi at magbabad sa banyo ng isang oras.

Pagkatapos gawin ang lahat ng nasa itaas,  imposible naman na di ka pa pagod.  At dahil sa pagod na yan, makakatulog ka agad ng mahimbing at di ka na makakapag emote pa.

No comments:

Post a Comment