Marami na akong mga naging panaginip. Sabi nila lahat daw tayo nananaginip araw araw ngunit ang iba sa ito ay di na natin natatandaan paggising natin. Ilan sa aking mga panaginip ay may patungkol sa ahas, sa lalaking nakalabas ang paa habang nasa kabaong, at ang isa ay tungkol sa ngipin. Ang panaginip tungkol sa ngipin ang di ko makakalimutan sa lahat lahat.
Anim na taon na ang nakakaraan ng nanaginip ako na natanggalan ako ng ngipin. Sabi nila na pag natanggalan ka raw ng ngipin sa iyong panaginip, may mamamatay kang kamag anak na malapit sa'yo. Aware ako sa pamahiin na yun pero dahil sa hindi naman ako mapamahiing tao, binalewala ko lang. Sabi nila, pangontra daw sa panaginip na yun ay kumagat ka sa kahit anong kahoy o ikwento mo sa iba ang iyong panaginip o kaya'y ibulong mo ang iyong panaginip sa isang halaman. Nawala na sa isip ko ang panaginip na yun pagkaraan ng mga ilang araw. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, makalipas siguro ang isang linggo, namatay sa isang krimen ang pinakamalapit kong pinsan. Nagulat kaming lahat sa nangyari kasi napakabata pa nya. Nagkausap pa nga kami ng gabi na yun bago nangyari ang pagdukot sa kanya. Habang ina absorb ang lahat sa bilis ng mga pangyayari, habang tulala sa isang tabi sa gulat matapos malaman ang balita, dun ko naalala ang aking panaginip tungkol sa ngipin. Sinabi ko sa mama ko yun pagkatapos kong maalala, pero sabi ni mama, may reason daw ang Diyos kung bakit nya kinuha ang pinsan ko. Pero di ko maalis sa isip ko na tanungin, kung hindi ko kaya binalewala yung panaginip kong yun, kung kumagat kaya ako sa kahoy o kaya'y kwinento ko agad sa mama ko, ma sasave kaya ang buhay ng pinsan ko? May pagkakataon kaya na sana ay buhay pa sya ngayon?
Nung nasa abroad naman ako, yung ka roommate ko nanaginip sya na nalagasan sya ng ngipin. Sabi nya wala naman daw masama kung maniniwala. Kaya ang ginawa nya ibinulong nya sa isang halaman sa may laundry area ng dormitory ang kanyang panaginip. At kinabukasan, pagtingin namin sa halaman na yun, lantang lanta na at tuyot na tuyot na samantalang kahapon lang ay ang berdeng berde ito at diniligan pa nga nya. Ok naman daw ang pamliya nya hanggang sa huli naming pag uusap ng mga panahon na iyon. Walang nagkasakit, wala ring namatay.
Kagabi, nanaginip nanaman ako. Natanggalan nanaman ako ng ngipin. Parang totoo, kasama ko pa nga kapatid ko nun nung nalagasan ako ng ngipin. Sa panaginip ko, tinanong ko pa si mama kung bukas si Dra. Mabeza na family dentist namin. Sabi ni mama oo bukas yun kasi nga pagagawaan ko ng paraan yung part na nalagasan ko ng ngipin kasi sa may bandang harap. Nung magising ako at nakapag muni muni dun ko naalala ang aking panaginip. Kumagat ako sa kahoy ng aking kama. Ibinulong ko pa ito sa isang halaman sa aming terrace. Gusto ko man ito ikwento, walang tao sa amin kundi ako lang. Pero tinext ko si mama tungkol sa aking panaginip. Natatakot ako. Gusto ko man balewalain, kaso ayoko na maulit yung nangyari dati. Nagdasal na lang ako na sana walang mangyaring masama sa mga mahal ko sa buhay.
Ako din nanaginip ng ganon pro kinagat kona sa kahoy agad pra makontra at kinukuwento kona sayo kinavahan tlaga ako pag gising ko kanuna hayss pro nkontra kona salamat
ReplyDeleteOk na kinagat kona sa kahoy
ReplyDeleteAnu po nangyari sa halaman na binulungan nyu? Ako po kanina nagising ako around 4am natakot po tlg ako Kz aware ako sa pamahiing ito nalagasan po ako ng 4 na ngipin sa harap sa lower part Banda na ngipin.. sa takot ko nag research ako dito sa google at ito ang nakita ko blog mo .. ginawa ko kinagat ko kahoy ng aparador at sinabi ko ang panahinip ko.. pati na rin sau ngaun.. at mag pray po ako na sana walang masama na mangyari sa pamilya ko sa asawa ko sa mga anak nmin at sa mga kapatid ko ameen! 3x
ReplyDeleteAko rin ay nana ginip na natanggalan na ipin ginawa ko na ang maaring pangontra kinagat ko ang kahoy na aparador namin at bumulong na rin ako sa halaman at ngayon ay ibinabahagi ko na ang aking panaginip hindi masamang maniwala pero malaki ang paniniwala ko sa Diyos na gagabayan nya ang pamilya ko at aking mga kaibigan salamat sa Diyos
ReplyDeleteako din po nanaginip na natanggalan ng ngipin ngayon lang.kinagat ko sa kahoy at ibinulong ko .at nagdasal .naniniwala akong dios lang nakakaalam lahat ng mangyayare sa buhay .gabayan nio po pamilya at lahat ng mga kaibigan at kakilala ko .amen
ReplyDeleteAko din. Ngayon ngayon lang nanaginip din ako na natanggal daw ung mga ngipin ko.dito ko nalang ikukwento.
ReplyDeleteAko din...nangyari ngayon nag pray muna ako agad ng taimtin dahil natatakot ako at kumagat na ako ng kahoy...wala akong mapag kwentuhan kaya dito ko na sinabi...panginoon gabayan nyo po sana ako ang king mga kapatid at magulang
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAko din po nanaginip na natanggalan Ng ipin sa ibaba , nagdasal na din po ako, kumagat sa kahoy at bumulong sa halaman , at Ngayon nagkwekwento sa inyo . Sana Naman walang mangyari masama please in Jesus nameππππ
ReplyDeleteNanaginip rin ako kanina na natanggalan ng ngipin. Gusto ko man sabihin sa magulang or family baka matakot sila at mag alala. Kaya dito ko na lang sasabihin. Ginawa ko narin ang mga pangontra. Sana ay wala mangyaring masama π
ReplyDeleteNanaginip rin ako kanina lang na natanggal ung ibabang ngipin ko.
ReplyDeleteHindi ko alam kung panaginip ba bc hindi ko naalala pagkagising or nagising in the middle of the night. Naalala ko lang sya mga 10am na parang may naalala ako na nakita ko natanggal yung front teeth ko na naroot canal. Aa in natanggal sya at pagtingin ko, ang linis sa ilalim, kulay white at peefect yung edges at ang lalim. Ngayon ko lang narealize na yung ilalim ng ngipin ko sa panaginip ay rectangle at parang sementado π
ReplyDelete