Friday 17 February 2012

Valentine's Resolution

Kung nung bagong taon nauso ang mga new years resolution, ako naman meron akong valentines resolution.  Ilalagay ko dito ang mga gusto kong baguhin o tanggalin in terms of my love life.  In terms of dating, being in a relationship and after a relationship.

1.  STRICTLY:  Never na ako makikipagdate sa lalaking may asawa/in a relationship.  Kasi di ko na deserve maging number two.  Deserve ko na maging priority ako at hindi yung tira tira lang.
2.  Magstastart lang ulit ako ng relationship kapag ready na talaga ako, hindi dahil sa nalulungkot lang ako. 
3.  Di na ko magmamadali.  Di dahil sa nag iisa ako kailangan ko madaliin lahat ng bagay.  Mas mabuti na yung mabagal basta sigurado kesa naman madali nga palpak nanaman.
4.  Di na ako makikipagkompetensya kung sino ang tama.  Bababaan ko na ang pride ko kung alam ko na mali ako. 
5.  Mas lalawakan ko ang isip ko at hahabaan ko na ang pasensya ko.
6.  Hindi ko na itatake for granted ang isang relasyon.  Di ko na aabusuhin ang relasyon na porket mas mahal nya ako kesa sa mahal ko sya.
7.  Iaappreciate ko na kahit super liit na bagay na ginagawa nya para sa kin.
8.  Rerespetuhin ko na kapag minsan gusto nya mapag isa.  Di na ako magiging makulit.
9.   Mag aaral na ako magluto.
10.  At ang huli, magtitira na ako ng pagmamahal para sa sarili ko.  Di ko ibibigay lahat lahat.  Kasi naniniwala ako na di mo kayang mahalin ang ibang tao kung hindi mo muna mahalin ang sarili mo.

1 comment:

  1. ganda namn ng mga plans mo...sana magkatotoo..Good Luck na lang!

    ReplyDelete