Wednesday, 25 January 2012

L.U.N.C.H.

My mom is not around so I was forced to cook my lunch.  Actually ito lang ang recipe na kaya kong lutuin. Hehe!  Nagluto ako ng gantong recipe before for my friends back in Taiwan and they all loved it!  Here's my version of buttered shrimp with cheese


Tuesday, 24 January 2012

Chinese New Year Baby!

Yesterday, January 23, habang ang mga chinese ay nagdidiwang ng kanilang Chinese New Year...


kami ng kapatid ko at ng brother in law ko ay nasa Manila Doctor's Hospital dahil anytime manganganak na ang ate ko! Buong family namin ay super excited dahil first grandchild ng parents ko and syempre first pamangkin ko rin :)

While waiting for my pamangkin to go out and see the outside world... eto pinag gagagawa namin ng sister ko





and then 5 oclock in the afternoon .. Baby Jian Markus Tabago Yu was born :)






Feel ko talaga before pa na he is waiting for the chinese new year :) yun kasi ung binulong ng daddy nya sa kanya hehehe.  Lucky daw kasi ang baby born on the chinese new year, year of the dragon and baby boy pa :)   Welcome to the family baby!!!  We Love You!

Friday, 20 January 2012

what's in my bag?

just want to show you the stuff inside my bag.  nothing fancy or expensive though :)


1. blush on  2. mineral foundation  3. eyelash curler  4. eye shadow  5.  pocket mirror  6. pressed powder  7.cologne  8. comb  9. pouch ( for make ups )  10. bb mousse  11. wallet  12. camera  13. hanky  14. lotion  15. coin purse  16. ipod touch  17. lipstick  18. lip gloss  19. lip gloss ulit  20. mascara

Thursday, 19 January 2012

Cocoflan

Just discovered this ice cream parlor in Olongapo City where I bought this delicious ice cream.  It is called Cocoflan because it is a coconut flavored ice cream with leche flan inside.  It is sooo delicious and really cheap. 


It is only 200 Php for a half gallon.  Cheap deal huh? Limited edition from Gold Delight's ice cream :)


Wednesday, 18 January 2012

marry me

Kanina habang nakikinig ng radyo on the way to Subic, biglang tinugtog ito..


It gave me a smile while listening to this song... Not because someone sang this song for me before.. but because I got inspired again to wait for the right one. 

Saturday, 14 January 2012

tic tac tic tac

Nung nasa college pa ako at may boyfriend ako for five years na, sabi ko sa sarili ko, at the age of 25 mag aasawa na ako..
Nung 25 na ako, may bagong boyfriend for a year na sabi ko sa sarili ko, mag aasawa ako at the age of 27..
Ngayon, 26 na ako, turning 27 next month, walang boyfriend at wala ring steady date.. pinagdarasal ko na sana by 30 may asawa na ako

Tic tac tic tac.. yan ang pang asar ko sa mga kawork ko dati sa call center.  Paano naman kasi 30 something na sila, wala pa silang asawa.  Aaminin ko malakas talaga ako mang asar nuon kasi nasa early twenties pa lang ako ng panahong yun.  Pero di ko akalain na darating ang time na ako mismo, bibilangan ko na ang sarili ko.

Minsan iniisip ko kung may pag asa pa ba ako o nakatakda na talaga na tumanda ako mag isa sa mundo.  Nakakapressure naman kasi, halos lahat ng mga matatalik kong kaibigan at mga ka batch nung high school at college ay may mga sari sarili ng pamilya.  Sabi ng butihin kong ina, hintayin ko lang daw, darating daw sya sa tamang panahon.  Wish ko lang nho, na sana yung tamang panahon na yun ay hindi naman 40 years old na ako.

Kung bakit naman kasi may magnet ako sa mga manlolokong lalake.  Sa mga lalakeng pagkatapos ko mahalin ng buong buo ay unti unti na lang manlalamig hanggang sa ako na ang susuko kasi kahit di naman nya aminin ( kelan ba umamin ang mga lalake ) may iba na syang mahal.  Ayaw nila ako saktan, pero ayoko naman na mag bulag bulagan.  Hindi ako pinanganak kahapon at hindi rin naman ako tanga.  Di naman ako man hater, nagkataon lang na yung mga lalakeng sumaan sa buhay ko ay mga asawang at ka hate hate talaga. 

Sige na nga, meron rin namang mga ok, meron din namang mababait, pero ewan ko ba kung bakit takot ako sa mga lalakeng alam kong mas mamahalin ako kesa sa mahal ko sila.  Takot kasi ako na baka pagdating ng araw, di ko na kayang suklian yung pagmamahal na binibigay nila.

Pero alam mo, kapag nawawalan na ako ng pag asa at kapag broken hearted ako, pinapanood ko ng paulit ulit ang movie na He's Just Not That Into You



Bakit?  Bukod sa super hot na si Bradley Cooper, marami akong natutunan sa movie na ito.  Bukod din sa mga tips and signs na hindi mag wowork out ang relationship at the same time, it gives hope to the viewers.  Hope na darating ang right man on the right time.  Sabi nga diba, good things happen to those who wait and all the heartaches and pain will be worth it.

Ang drama ko ba? hahaha.
Kaya habang naghihintay sa tamang lalake para sa akin, nag eenjoy muna ako sa pagiging single ko.  Mas marami rin akong time para sa sarili ko at sa pamilya ko.  Gusto ko maging ready, para pag binigay na sya sa akin, handang handa na ako para sa kanya.  Walang doubts, walang hesitations.  At promise, magiging maswerte sya sa akin. hahahaha :P 


Unfair

Ang sakit pa rin isipin na yung mga taong nang gago sa yo... sila pa ang masaya ngayon :(

Friday, 13 January 2012

Christine Reyes

Kagabi habang nag iinuman kami ng kaibigan ko sa boardwalk, bigla ako nakaramdam na naiihi ako.  Kaya naki ihi ako dun sa restaurant malapit lang sa tabi ng dagat.

Me:  Miss, pwede maki cr?
Miss :  Opo ate, kaso may bayad.
Me: Ok lang, san ba cr nyo?
Miss:  Dun po sa may kaliwa

After ko mag CR..

Me:  Eto na miss yung bayad
Miss:  Thank you po.  Ma'am kamukha nyo po si Christine Reyes.
Me:  Ha?
Miss:  Hawig po kayo ni Christine Reyes.
Me:  Ay, thank you po.  Lasing ka ba miss??
Miss:  Hindi po.  ( sabay tawag sa isang waiter na juding )
Miss:  Bakla, tignan mo.  Hawaig nya si Christine Reyes
Juding:  Oo nga eh.  Kala ko talaga celebrity.
Me:  Naku salamat pero para yatang kayo ang lasing kesa sa akin. Hehehe

Oo na.. lumaki ulo ko bigla nung sinabihan ako na kamukha ko si Christine Reyes.  Feelingera na ako.  Ako na ang lumilipad sa apalapaap. Ako na talaga :)






Confused

He treats me like a princess,
     while you treat me like a trash.
He doesn't let anyone hurt me,
     while you keep on hurting me.
He doesn't blame me for anything,
     while you blame me for everything.
He always have time for me,
     while I always beg a time from you.
He plans for eveyrhing
     while you don't have any plans at all.

You're there, He is here.
I Love You but He Loves Me.




how many lies do i have to believe?
how many promises do you have to break?
how many times do i have to cry?
and how many forgiveness do i have to give?

how many words do you have to justify?
how many favors do i have to please?
how many goodbyes that never came true?
and how many nights do i have to wake up without you?

how many scenes do i have to be blind?
how many stories do i have to be deaf?
how many truths do i have to lie?
and how many instincts do i have to deny?

i have no regrets in loving you,
cause i give my heart and soul to you.
but its time for me to let go and move on
cause ive been deaf and blind to forget
that i have a LIFE to live on..


That I Am Pretty


When I was a kid, I noticed that my complexion is not as fair as other kids my age.  I noticed that all color of clothes suits them, but me, my brown complexion looks a lot darker in bright coloers.  There are times that some kids teased me as “negra” or “baluga” that bothers me and lowered my self esteem.
            
 When I was a teenager, the comparison of the brown and fair complexion became worse.  I noticed that the boys are attracted to fair ones while brown ones are a lot far away from popularity.  Pointed nose are in while pango nose are out.  Curly hairs are teased as “kulot salot”while those who have long straight black hair are beautiful.  At school, most muse are fair skinned and in beauty contest, the winner is always the fair one even if she talked non sense, while the smart, beautiful but brown one is always the loser.  I would say to a friend, "paitimin mo yun, maganda pa kaya siya?! pero yung isa maganda kahit maitim, eh di lalo kung pumuti sya."  And they just all agree.

So I did became conscious with my appearance.  I did ways to whiten my skin color.  I used whitening soaps and lotions, but after three bottles, nothings changed.  My ate used this papaya soap which she really became whiter but sad to say it didn't work for me.  I used calamansi soaps which lighten my skin but not as light as I want it to be.  I had my hair treated in a well known salon but it just damaged my long straight black hair.  I dress more girly than the usual shirt, jeans and sneakers.  People noticed the curve on my body which really built up my self confidence.  I learned to accessorize and read some articles about fashion and make ups/  A close friend and a teacher of mine once told me that " wala pa ring tumatalo sa trono nyo na timatabi ang mga estudyante pag dumadaan kayo sa hallway/  And that -- I really feel pretty.  I started to wear bright color clothes.  From the usual black, white and blue, now-- orange, green and yellow.  I read that dull colors make skin even darker while bright colors make dark skin glow.  Guys at school would smile and be friend with me unlike before that guys always tease me.  Little by little, I built mu own self confidence and gained a lot of compliments from other people.  


When I started to work people asked me "Bumbay ka ba?" or "May ibang lahi ka ba?"  And I will just smile and said "Oo, Ilocano at Zambal".  Maybe because the typical Bumbay look is what my face looks like.  Brown skin, bright eyes, pointed nose, long eyelashes, straight black hair.  I once told a workmate " Sana mauso din and mga telenovela galing India para mauso naman ang beauty ko, lagi na lang kasi Koreanovela at Chinovela kaya puro mapuputi at singkit anf magaganda ngayon."  And we just both laughed.


In some ways, maybe I am pretty.  Maybe I am gorgeous.  But now, I love myself more.  I learned to accept what God and my genes gave me.  Being brown is not as bad as I think it was.  Not all guys will appreciate what beauty I have but what the heck?!  As long as my man appreciates me and on his eyes.. I am the most beautiful woman and that satisfies me.  



Thursday, 12 January 2012

BEAST






Bumalik ako sa pangalawang pagkakataon sa abroad matapos yung first contract ko sa ibang company.  Ngayon masasabi ko na wala na hindi na ako nahohome sick.  Wala nang iyak iyak sa gabi.  Wala na ring emo mode bago matulog.  

Ibang iba ngayon ang environment.  Super laki ng company na to kumpara sa dati kong pinagtrabahuhan.  Benefits mas ok na ok.  Friendly rin ang mga pinoy, pero as usual ako nanaman ang pinakabata ( 24 years old ako ng panahong ito ) sa department namin.  Sa department namin halos puro mga lalaki ang nakakasama ko sa trabaho.  Kaya nga hindi ako nahirapan makipagkaibigan kasi madalas talaga, mas nagiging ka close ko ang mga lalaki kesa sa mga babae.  Masarap may tawaging kuya kasi wala akong kuya.  Masaya sila kasama, makwela unlike sa mga babae puro kaartehan. 

Meron akong coach/teacher nun na naging kagaanan ko ng loob.  At bestfriend nya si BEAST.  Si Beast ang tinatawag ng lahat na tatay, di dahil sa matanda na sya.. 30 something pa lang naman sya kundi dahil sa kanya pinagkakatiwala ng mga foreign supervisors and managers ang maraming bagay.  Magaling kasi sya mag Mandarin, sabi nila self study lang daw sya kahit yung intonation kuhang kuha nya.  DI tulad ko barok mag Mandarin.  Ilang beses ako pinakilala sa kanya ng coach ko pero never sya ngumiti sa akin at never nya ako tinignan.  Na curious ako kasi yung iba sobrang accomodating, sya ganun lang.. ang yabang naman ng kumag na to.. sa isip isip ko lang.

Hanggang sa isang gabi, habang ako’y umiiyak sa pagbabasa ng novel na The Time Traveler’s Wife, may tumawag sa akin na unknown number.  Akala ko naman kung sino baka overseas or tawag galing sa parents ko sa Pinas yun pala eh si Beast lang.  Dun ko sya nakakwentuhan ng matagal.  Siguro may apat na oras din yun.  Nalaman ko na may asawa na sya at isang anak na lalaki na limang taong gulang na.  Na nine years na pala sya sa company na yun at ang aga nya nagtrabaho abroad at the age of 22.  Hindi daw sya suplado, ayaw lang daw nya na tuksuhin sya kasi alam daw ng lahat ng crush nya ako.  Di ako nagsalita.  Iniba ko usapan at sabi ko inaantok na ako.   Gusto lang daw nya makipagkaibigan.  Nung una daw nya akong nakita sa pantry, kinabahan daw sya di daw nya alam kung bakit.  Naisip ko lang, di naman ako multo o aswang para kabahan sya ng ganun nung nakita ako o baka sobra lang din sya sa kape.

Lumipas ang mga linggo di ko napapansin na gumaan na ang loob ko sa kanya.  Matindi ang sense of humor ng taong to at talaga naman na masaya sya kasama.  Magaling pa magluto.  Hanggang sa tuluyan na palang nahulog ang loob ko sa kanya.  Oo naging kabit ako, at di ko yun pinagmamalaki.  Kung gusto mo akong murahin o kaya isara ang window ng blog na ito malaya kang magagawa ang mga iyon.  Pero kung nacucurious ka at kung gusto mong malaman kung anu ang kinahinatnan, ituloy mo lang ang pagbabasa.  Pero tulad ng sinabi ko hindi ako proud na naging other woman ako.

Bago ko pinasok ang sitwasyon na ito, ito ang logic na nasa utak ko.  “ Ilang binata na ang nang gago sa akin, pinagpalit ako sa iba, inabuso ako verbally at physically, ilang drum na ng luha ang naiyak ko dahil sa kanila, cellphone na nabasag at relasyon na nauwi sa wala.  Hindi ako maiinlove,  gusto ko lang maranasan na ako yung nang gagago, na ako yung may nasasaktan na iba, na ako yung nang agaw at hindi ako yung inagawan. Hindi ako kailan man maiinlove sa kanya. “

So pumayag ako sa ganung sitwasyon, ok naman ang lahat.  Nakakaexcite.  Masaya ako dahil alam ko na wala syang iba kasi ako yung iba nya.  Sa relasyon namin, never sya nagkulang sa pangangailangan ng pamilya nya.  Nagbabakasyon pa sya every year para sa kanila.  Wala naman akong balak na agawin sya, na sirain ang pamilya nya, na kuhanin ang tatay ng isang batang lalaki.  Magulo ang isip ko pero masaya ko.  Hindi ako naging masaya sa piling ng kahit na sino sa mga binata kong naging boyfriend.  Kinakabahan ako kasi alam ko kahit I deny ko nahulog na ako sa bitag na ako mismo ang gumawa.  May mga panahon na ayoko na, iniisip ko rin ang sarili ko at ang iisipin ng ibang tao kasi hindi naman ako ganun pinalaki ng mga magulang ko.  Kaso di ko na kayang kumawala.  Masyado ko na syang mahal, alam ko mahal nya rin ako.  Nararamdaman ko yun.  Kahit tignan nya lang ako, alam ko sa mga mata nya sinasabi kung gaano nya ako kamahal.

Dumating ang panahon na sya na ang gustong bumitaw.  Di dahil sa hindi nya na ako mahal, kundi dahil mahal na mahal nya ako.  Di nya maibibigay ang buhay na nararapat para sa akin.  Yung kaya akong mahalin at ibigay lahat lahat ng buong buo tulad ng binibigay ko sa kanya.  Pumayag ako kahit napakasakit sa akin at alam ko doble ang sakit sa kanya.  Sinubukan ko, sinubukan namin, pero hindi ko kaya at hindi rin nya kaya.  Kaya kong intindihin lahat lahat, hindi ako needy, hindi ako nag demand ng kahit anu mula sa kanya.  Sapat na sa kin na nandyan sa tabi ko palagi.  Na pagagalitan ako kapag nag asal bata ako.  Yun ang kaibahan nya sa lahat, kayang kaya nya ako pagbawalan.  Hinding hindi nya kinunsinti ang katigasan ng ulo ko.  Ako ang takot sa kanya.  Di tulad ng mga ex ko, kinunsinti ako, masyado akong kampante kasi alam ko takot sila sa akin yun pla, niloloko na ako ng patalikod.  

Wala ng iba pang sasaya pag kasama ko sya.  Para sa akin bawat minuto mahalaga.. kasi alam ko darating ang panahon na mawawala sya sa akin.  At ang masakit, wala akong karapatan para pigilan iyon.

Labing pitong bwan, dalawang pasko at bagong taon ang aming pinagsamahan.  Dumating ang March 2011, ayoko isipin pero alam ko na kailangan kong harapin at tanggapin.  Binigay na ang schedule ng uwi nya ng April.  Tapos na kasi ang contract nya.  Di naman kasi open contract sa bansa na pinagtratrabahuhan namin.  Pwede naman mag renew pero usapan kasi nila ng asawa nya na last na nyang contract yun.  Di ako umiyak, kasi para sa kin matagal pa, matagal pa isang bwan ko pa syang makakasama.  Di nya pinakita sa kin yung pag ayos nya ng mga gamit nya pakonti konti na nya kasing pinapadala sa Pinas ang mga gamit nya.  Nagulat na lang ako minsan na halos wala na pala syang naiwan na gamit, na iilan na lang ang gamit nya na naiwan, bumili sya ng mga pasalubong na di ako kasama.  Sabi nya kasi ayaw daw nya na makita ko na aalis na sya.  Dun na ako nagsimulang umiyak gabi gabi.  Iniisip ko na paano na ako pag wala sya.  Paano na ang routine ko araw araw.  Paano na ako? Wala na akong sandalan.

to my beautiful beauty

sana, kahit ano decision, gawin mo, pag isipan mo muna ng maraming beses.. ingat ka lagi lagi
mahalin mo parents mo, your sisters and most of all, ang iyong sarili...
kalimutan mo na lahat, wag lang yung pagmamahalan natin, kahit magkaroon ka na ng sarili mong family...
wag sayangin ang time, talino at ganda, kasi dito nakasalalay ang dreams mo

masarap kang magmahal, kaya wag mag alala, may ibibigay sayo si God na talagang sa yo "hindi man ako yun"

pasalamat tayo kasi binigyan tayo ng chance na makilala at mahalin ang isa't isa..
at masaya ako dun.. sa maling time nga lang..
Sorry di kita nahintay.. paulit ulit ko mang pigilan ang time wala na ko magawa

Pauwi na ako, sinasabi ko tong mga bagay na to kasi gusto ko na maging ready, strong and malakas loob mo kahit umuwi na ako...

Pagmamahal ko ang iiwan ko at pagmamahal mo ang babaunin ko...

mahal na maha kita... palagi


… Yan ang text nya na hanggang ngayon di ko pa rin kayang burahin sa cellphone ko.  Nung nabasa ko yan, iyak ako ng iyak.  Naramdaman ko na malapit na… malapit nanaman ako maiwan mag isa.  Pero alam ko at ramdam ko na hindi nya gusto na iwan ako kaso iyon ang dapat at wala akong magagawa.  Mahal nya pamilya nya.  Mahal nya asawa at ang anak nya.  Pero alam ko mahal nya rin ako.  At minahal ko sya ng buong buo.

April 2, 2011  Araw ng kanyang pag alis.  Araw na kinakatakutan ko.  Araw nang aking pagkatalo.  Umalis sya ng lumuluha.  Umalis sya na hawak nya ang pagmamahal ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin nababawi ng tuluyan sa kanya.  Nung umalis sya, tatlong araw akong di nakapasok sa trabaho.  Iyak ako ng iyak.  Para akong namatayan, kasi kahit buhay sya para rin syang patay kasi hindi ko sya pwedeng tawagan para kamustahin man lang.  Sabi nga nila, sumugal ako sa laro na kahit alam ko sa umpisa pa lang talo na ako.  Tama sila, nagpakatanga ako kasi nagmahal ako ng lalaking may asawa.  Ang sakit na naranmdaman ko ng mga panahong yun ay sampung beses sa sakit na nalaman ko na niloloko ako ng mga naging ex ko.  Kasi di ako pwedeng magalit sa kanya, wala akong pwedeng isumbat kasi wala naman syang tinago sa akin.




Ilang bwan ang lumipas mula ng pangatlong tawag nya.  Masasabi ko na kahit papano pinga aaralan ko pa rin ang pag move on.  Pero walang gabi na hindi sya kasama sa pagdarasal ko pati na rin ang kanyang asawa at anak.  Walang araw na naisip ko kung ano ginawa nya maghapon.  Alam ko na di ako dapat mag alala sa kanya kasi kasama nya pamilya nya, napapaisip na sana naiisip nya rin ako,kahit isang segundo lang sa isang araw.


 Tumwag sya para sabihin sa akin na pinayagan na sya bumalik ng asawa nya.  Masaya ako kasi alam ko na  gusto nya talaga yun at syempre makakasama ko ulit sya.  Pero naisip ko, eto nanaman talo nanaman ako.  Ayan nanaman yung bitag na alam ko sa sarili ko na di ako  sigurado kung di nanaman ako malalaglag.  Nag isip ako.  Eto ba ang buhay na ginusto ko para sa akin?  Na hindi permanente at kung maging permanente man may mga taong magdurusa para lang sa kaligayahan ko.  Pero mahal ko pa rin sya.  Kung gaano katindi ang pagmamahal ko sa kanya nung umalis sya, walang nabawas.  Walang nabago.

Kaya nagdesisyon ako.  Ako na ang lalayo bago ko pa man ulit sya Makita at umiyak sa yakap nya.  Lumayo ako.  Umuwi ako ng Pilipinas at alam ko na tama itong ginawa ko kahit masakit para sa akin.  Di ko tinapos ang contract ko at umuwi.  Umaasang makakalimutan ko sya dito.  Naging matapang ako, para sa sarili ko at para na rin sa kanya.  Masasabi ko na malaking bagay ang ginawa kong ito para sa sarili ko.  Mahal ko ang sarili ko at walang ibang tutulong sa akin kundi ako lang din.  Isang bwan na mula ng umuwi ako dito.  Di ko pa rin sya nakakalimutan pêro alam ko darating ang panahon na isang araw, wala na ang sakit, wala na ang pagmamahal.  At sana sa tamang panahon, ibibigay ng Diyos ang taong nararapat at deserving sa pagmamahal na ibibigay ko. 




WHAT EV!



Matagal ko ng gustong sumulat ng kahit na ano na maisip ko lang.  Kaso di ko alam kung bakit ngayon ko lang sinumulan.  Di naman ako magaling na writer, di rin naman ganun kalawak ang alam ko sa mga bagay bagay.  Kaya kung anu man ang nilalaman ng blog na ito, ito’y mga pangyayari mismo sa magulo, masaya at malikot kong buhay.  Nahihiya ako magkwento minsan ng mga nilalaman ng damdamin ko, kasi natatakot ako na yung iba husgahan ako o taasan ako ng kilay.  Pero naisip ko WHATEV!  I don’t give a PAK to what other people might say.  Pero di rin ako proud sa mga pagkakamaling nagawa ko, gusto ko lang ibahagi at sana tulad ko may matutunan kayo.