Saturday, 14 January 2012

tic tac tic tac

Nung nasa college pa ako at may boyfriend ako for five years na, sabi ko sa sarili ko, at the age of 25 mag aasawa na ako..
Nung 25 na ako, may bagong boyfriend for a year na sabi ko sa sarili ko, mag aasawa ako at the age of 27..
Ngayon, 26 na ako, turning 27 next month, walang boyfriend at wala ring steady date.. pinagdarasal ko na sana by 30 may asawa na ako

Tic tac tic tac.. yan ang pang asar ko sa mga kawork ko dati sa call center.  Paano naman kasi 30 something na sila, wala pa silang asawa.  Aaminin ko malakas talaga ako mang asar nuon kasi nasa early twenties pa lang ako ng panahong yun.  Pero di ko akalain na darating ang time na ako mismo, bibilangan ko na ang sarili ko.

Minsan iniisip ko kung may pag asa pa ba ako o nakatakda na talaga na tumanda ako mag isa sa mundo.  Nakakapressure naman kasi, halos lahat ng mga matatalik kong kaibigan at mga ka batch nung high school at college ay may mga sari sarili ng pamilya.  Sabi ng butihin kong ina, hintayin ko lang daw, darating daw sya sa tamang panahon.  Wish ko lang nho, na sana yung tamang panahon na yun ay hindi naman 40 years old na ako.

Kung bakit naman kasi may magnet ako sa mga manlolokong lalake.  Sa mga lalakeng pagkatapos ko mahalin ng buong buo ay unti unti na lang manlalamig hanggang sa ako na ang susuko kasi kahit di naman nya aminin ( kelan ba umamin ang mga lalake ) may iba na syang mahal.  Ayaw nila ako saktan, pero ayoko naman na mag bulag bulagan.  Hindi ako pinanganak kahapon at hindi rin naman ako tanga.  Di naman ako man hater, nagkataon lang na yung mga lalakeng sumaan sa buhay ko ay mga asawang at ka hate hate talaga. 

Sige na nga, meron rin namang mga ok, meron din namang mababait, pero ewan ko ba kung bakit takot ako sa mga lalakeng alam kong mas mamahalin ako kesa sa mahal ko sila.  Takot kasi ako na baka pagdating ng araw, di ko na kayang suklian yung pagmamahal na binibigay nila.

Pero alam mo, kapag nawawalan na ako ng pag asa at kapag broken hearted ako, pinapanood ko ng paulit ulit ang movie na He's Just Not That Into You



Bakit?  Bukod sa super hot na si Bradley Cooper, marami akong natutunan sa movie na ito.  Bukod din sa mga tips and signs na hindi mag wowork out ang relationship at the same time, it gives hope to the viewers.  Hope na darating ang right man on the right time.  Sabi nga diba, good things happen to those who wait and all the heartaches and pain will be worth it.

Ang drama ko ba? hahaha.
Kaya habang naghihintay sa tamang lalake para sa akin, nag eenjoy muna ako sa pagiging single ko.  Mas marami rin akong time para sa sarili ko at sa pamilya ko.  Gusto ko maging ready, para pag binigay na sya sa akin, handang handa na ako para sa kanya.  Walang doubts, walang hesitations.  At promise, magiging maswerte sya sa akin. hahahaha :P 


No comments:

Post a Comment