Wednesday 29 February 2012

Goodbye February!

February 29, last day for the month of February.  Anu ano nga ba ang nangyari sa akin sa month na to?  oh well nakakilala ako ng mga bagong kaibigan, kakulitan at kakwentuhan.  Nag celebrate din ako ng ika 27 kong kaarawan.  Ayoko nga sana mag birthday kasi tatanda nanaman ako pero wala naman akong magagawa.  Pero ang pinaka higlight ng bwan na to para sa akin ay natanggap ako sa interview sa isa sa pinakamalaking company sa Subic.  Nakapasa ako bilang Admin Staff sa External Trade Team.

Di ko naman expected, pero masaya talaga ako.  Sana di na ako magpalit ng career.  Sana dito na ako magtagal.  Ayoko na rin sana ulit umalis ng Pilipinas para magwork abroad kaya sana maging ok talaga tong work ko ngayon.  Sana ok ang mga boss at sana ok ang mga tao sa paligid ko.  Di ako mahirap pakisamahan at di rin naman ako nahihirapan makisama sa iba.  Kaso syempre di naman maiiwasan na may makikilala ka na sa umpisa pa lang mabigat na talaga ang loob mo diba.   Pero positive ako na magiging ok ang mga ka work ko at sana ang workload kayanin ko din.

Magiging busy na ako.  Masaya ako na malungkot.  Masaya kasi di na ako mabobore sa bahay at syempre may income na ulit ako.  Malungkot kasi di ko na mapapanood yung mga inaabangan ko sa tv hehe.  Tsaka mababawasan na ang "me" time ko.  Pero excited rin ako :)

Mula ng inopen ko tong blog ko last week, nadagdagan ang page views ko.  May mga nagbabasa pa rin ng blog ko :)  natutuwa talaga ako.  Feeling ko kasi wala naman sense yung mga nilalagay ko pero may mga dumadalaw pa rin sa page ko.  Kaya hanggat nadadagdagan ang page views ko, di ako titigil magsulat ng kung anu anu na nasa isip ko. 

ok, wala nanaman ako sense.. hehe! tulog na ako! nytnyt :)

No comments:

Post a Comment